Tuesday, September 18, 2012

O CAPTAIN! MY CAPTAIN!

Walt Whitman

O CAPTAIN! my Captain! our fearful trip is done; 
The ship has weather’d every rack, the prize we sought is won; 
The port is near, the bells I hear, the people all exulting, 
While follow eyes the steady keel, the vessel grim and daring: 
    But O heart! heart! heart!       
      O the bleeding drops of red, 
        Where on the deck my Captain lies, 
          Fallen cold and dead.
O Captain! my Captain! rise up and hear the bells; 
Rise up—for you the flag is flung—for you the bugle trills;  
For you bouquets and ribbon’d wreaths—for you the shores a-crowding; 
For you they call, the swaying mass, their eager faces turning; 
    Here Captain! dear father! 
      This arm beneath your head, 
        It is some dream that on the deck,  
          You’ve fallen cold and dead.
My Captain does not answer, his lips are pale and still; 
My father does not feel my arm, he has no pulse nor will; 
The ship is anchor’d safe and sound, its voyage closed and done; 
From fearful trip, the victor ship, comes in with object won;  
    Exult, O shores, and ring, O bells! 
      But I, with mournful tread, 
        Walk the deck my Captain lies, 
          Fallen cold and dead.

Tuesday, August 14, 2012

Bulaklak ng Mayo


PINAKAMAGANDA  si Nieves sa kanilang baryo. Pinakamarami pang manliligaw. Pero nang mamili si Konsehal Atong Magdaraog at Manang Felipa ng magiging Reyna Elena sa Santacruzan, si Agnes Cailles na anak nina Dońa Aurora at Don Augusto ang kanilang kinuha. Hindi rin sa kanya ibinigay ang papel ng Reyna de las Flores kundi kay Thelma Azurin, ang wala-pang-dose anyos na anak ni Manang Sylvia na may-ari ng maraming mga mini-groceries sa buong lalawigan.
Walang nagawa ang mga kabataang may gustong si Nieves ang maging pinakatampok sa taunang prusisyon. Mga Hermano’t Hermana Mayor kasi ang pumili at ang mga pinili nga nila ay mula naman sa pinakamayayamang angkan sa kanilang lugar. Kahit nga ba hindi gaanong kagandahan ang mga ito, tiyak namang magpapabonggahan sa mga isusuot na gown. Si Pitoy Moreno pa raw ang gagawa ng terno ni Agnes samantalang si Rikki Jimenez ang tatahi ng kay Thelma.
Naging bulung-bulungan ito sa mga umpukan. Magiging kahiya-hiya raw sa mga bisitang manonood ng Santacruzan dahil kahit na ang mag-i-Infanta Judith na si Sylviang katukayo ng ina ni Thelma ay di-hamak na mas maganda kaysa kay Agnes. Paano na kaya kung kay Nieves pa ikukumpara ang unica hija ng mga Cailles?

NAGING Reyna Sentenciada lamang si Nieves at kahit nakakadena siya’t may piring ng manipis na tulle ang mga mata, lutang na lutang pa rin ang kanyang ganda. Kaya hindi nakapagtatakang sa kanya nagkaipun-ipon ang mga kabinataang nakikipagprusisyon at buong gilas siyang tinanglawan ng mga hawak na kandila. Mabuti’t masyado pang bata si Thelma kaya balewala sa kanya kung mga tagabantay lamang nila sa grocery ang kanyang kasabay sa prusisyon. Pero bahagya nang nailihim at naikubli ni Agnes sa kanyang tabinging ngiti ang pagkainis at pagkainggit kay Nieves. Kitang-kta sa kanyang mukha. Paano naman, talagang nakasisilaw ang mga ilaw na sa kanya’y tumatanglaw mula sa desiyentong bombilya na pinaaandar ng kuryente mula sa generator na inarkila pa ng mga Cailles mula sa Kapitolyo.
Kitang-kita tuloy ang mukha ni Agnes na hindi naremedyuhan ng make-up ng galing pa sa Maynilang beautician ni Fanny Serrano. Suwerte’t napakaingay ng tunog ng generator kaya hindi narinig ni Agnes ang usap-usapan ng mga manonood na tsismoso’t tsismosa na laking ganda raw ng gown ni Nieves na nirentahan lamang ng one hundred pesos sa mga baklang modista sa bayan kaysa sa singkwenta mil na suot ng Reyna Elena.
Kung nagkataon, baka hindi na tinapos ni Agnes ang prusisyon sa inis, laluna’t talagang humuhulas na ang kanyang make-up sa pawis dahil sa init ng ilaw na nakatutuok sa kanya kahit pa nga panay na ang pahid sa kanya ng panyo ni Dońa Aurora.
Nang pumasok na sa simbahan ang prusisyon para sa bendisyon ng pari at sa huling pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen, lalong tumingkad ang ganda ni Nieves sa pagkumpul-kumpol ng mga kasaling sagala sa Santacruzan. Namukod-tangi rin si Sylvia sa suot nitong matingkad na sayang pula.
Sa lahat ng mga dalagang nagsagala, silang dalawa lamang ang mukhang hindi napagod sa mahabang nilakad ng prusisyon. Paano, sanay na sanay sila sa paglalakad. Mula sa kani-kanilang bahay, mamamaybay sila sa mga pilapil sa palayan, tatawid ng bukid at aakyat ng burol bago makarating sa mga pinapasukang eskwelahan sa Ilaya. Lahat ng kasamahan nila sa Santacruzan, laluna sina Agnes at Thelma, na parehong namulat sa hatid-sundong sasakyan, ay hinahapo’t hinihingal habang papunta sa harap ng altar.
Ni hindi nga nakarating sa paanan ng imahen ng birhen si Agnes dahil sumalampak na lamang siya sa unahan ng simbahan at aksidenteng naupuan pa niya ang abay na anghel ni Thelma na agad namang nagpalahaw ng iyak, kaya ang kanyang Constantino na lamang ang binendisyunan ng pari at nag-alay ng bulaklak na nangaluntoy na rin sa init ng panahon.
Hindi maipinta ang mukha ni Dońa Aurora sa kahihiyan habang napapailing na lamang ang mga Hermano’t Hermana Mayor. Abot-tainga naman ang ngiti ng mga tsismoso’t tsismosang nagtiyagang tapusin ang prusisyon. Lahat sila’y naging saksi sa tinamong papuri ng sentensiyadang si Nieves na mistulang isang tunay na Reyna habang buong ningning na nag-aalay ng mga bulaklak sa altar.

LIMANG taon na ang nakalipas mula nang nakatutuwang buwan ng Mayong iyon sa Sta. Maria. Wala na siyang nabalitaan tungkol kina Agnes at Thelma. At dahil sa kanilang pagsasagala, nagkalapit ang loob nila ng Infanta Judith na si Sylvia. Kinuha pa nga nito si Nieves na abay sa kasal matapos itanan ng boyfriend nitong si Efren. Sabay rin sila ni Sylvia na kumuha ng yellow card para maging entertainers sa Japan. Nauna nga lamang siyang nakaalis. Naunang makipagsapalaran.
Dahil sa angking ganda, maraming nahumaling kay Nieves na mga costumers sa club na kanyang pinapasukan. Mabilis siyang umasenso. Madalas magpadala ng pera sa naiwang pamilya sa Sta. Maria. Hindi pa siya sumasagot ng oo sa mayamang Hapong kasosyo ng amo niya sa club, niyaya na agad siya nito ng kasal.
Guwapo si Kensaburo. Marami siyang kasamahan sa club na halos ipagduldulan ang mga sarili rito pero talagang si Nieves lamang ang pinupuntirya’t halos gabi-gabi’y siya ang binabantayan. Nagsawa na si Nieves sa mga tukso ng kanyang kasamahan na kesyo suwerte siya’t hindi na dapat pakawalan ang masugid na manliligaw. Pero may kung anong bumubulong na hindi si Kensaburo ang para sa kanya.
Hindi maunawaan ni Nieves na sa dami ng mga lalaking umaaligid sa kanya, wala talaga siyang mapusuan kahit isa. Ni hindi naman siya nainggit sa mga kasamahang palit nang palit ng boyfriends na Hapon. Tama na sa kanya ang mag-isa. Hindi nga siya masaya pero hindi rin naman siya nalulungkot. Hindi nga lamang niya maintindihan kung ano ang kanyang nadarama. Nakapagtatakang parang hindi niya matiyak kung ano talaga ang kanyang gusto. Hanggang lumipat siya sa Tokyo mula sa Kobe. Doon muling nagtagpo ang landas nila ng kaibigang si Sylvia.

SILA ni Sylvia ang naging tampok na singers sa club na iyon na pag-aari naman ng kapatid ni Kensaburo. Para sila makatipid, isang kuwarto na lamang ang kanilang inupahan ni Sylvia. Sinundan pa rin siya sa Tokyo ni Kensaburo pero ayaw na niyang magpasundo’t magpahatid sa Hapones. Ginawa niyang dsahilan si Sylvia. Hindi na niya kailangan ng kasama. Tutal, naroon naman si Sylvia.
Sa itaas ng double-deck si Nieves nahihiga at gabi-gabi, sinisilip niya si Sylvia habang ito’y natutulog sa ibaba. Ang mga pasilip-silip na iyon ang parang pumupuno sa kakulangang dati’y kanyang nadarama at lalong nagtaka si Nieves nang makaramdam siya ng pananaghili tuwing tatanggap ng sulat si Sylvia mula kay Efren at tuwing naghuhulog ito ng sulat para sa asawa. Hindi siya nakahanda sa natuklasan niya sa kanyang sarili.
Si Sylvia ang nagpamukha sa katotohanang natutulog at nagtatago sa kanyang katauhan.

“Tigilan mo ang pagbi-beybi sa akin, Nieves. Hindi magandang tingnan. Pareho tayong babae. Baka matsismis tayong tomboy,” sabi ni Sylvia noon bago ito tuluyang magpaalam sa kanya at lumipat ng tirahan.

Nakaharap siya sa salamin at nagme-make up nang bigla siyang sampalin ng katotohanang hinahanap-hanap niya si Sylvia hindi dahil kaibigan niya ito kundi minamahal. Pinagnanasaan. Tulad ng pagnanasa sa kanya ni Kensaburo. Kumalat ang mascara sa kanyang pisngi. Hindi niya maunawaan ang sarili. Mas maganda siya kaysa kay Sylvia. Mas babaeng tingnan. Mas mahinhing kumilos. Hindi niya matanggap na lahat pala sa kanya ay kabaligtaran.
Kaya sumama siya kay Kensaburo. Pinagbigyan niya ang gusto ng Hapones – na hindi naman talaga niya gusto. Matapos ang lahat, bumaligtad ang kanyang sikmura’t magdamag siyang suka nang suka sa hotel na pinagdalhan sa kanya.

UMUWI si Nieves sa Sta. Maria noong Pasko. Hindi na siya bumalik sa Japan. Sa kanilang baryo na lamang siya titigil at magnenegosyo. Marami na siyang naipong puwedeng ipuhunan. Iba na ang tingin sa kanya ng mga kabaryo. Nakapagpatayo si Nieves ng sariling bahay. May sarili nang sasakyan. Hindi na rin dumadalaw ang mga dating manliligaw dahil sabi ng mga tsismoso’t tsismosa, naaalangan na raw ang mga ito sa kanyang katayuan. Para kay Nieves, mas gusto niya ang ganoon. Walang nanggugulo.
Pinasyalan siya nina Manang Felipa at inalok na maging Hermana Mayor para sa Santacruzan ngayong Mayo. Hindi siya tumanggi. Kinuha niyang Reyna Elena si Thelma Azurin na ngayon ay dalagang-dalaga na. Balikbayan din si Thelma. Sa San Diego, California nga lamang ito galing dahil doon ito pinag-aral ng kanyang ina. Iba talaga ang nagagawa ng pag-aaral at palalakbay dahil ngayon ay bagay na bagay na kay Thelma na maging Reyna Elena. Sa prusiyon, isa pa nga si Nieves sa nag-ilaw sa dalaga at may pagmamalaki sa kanyang mukha dahil sang-ayon ang lahat sa kanyang pinili.
Nang dumaan ang prusisyon sa tapat ng bahay ng mga Cailles, napansin ni Nieves si Agnes na walang humpay sa pagkaway sa kanya na parang nakakita ng isang matagal nang kaibigan. Niyaya siya ni Agnes sa loob ng bahay at kanya itong pinagbigyan para magkumustahan.

MABILIS na nagbihis si Agnes nang yayain ni Nieves na sumama ito sa simbahan para panoorin ang pag-aalay ng bulaklak ng mga sagala sa Mahal na Birhen. Ginamit nila ang kotse ni Agnes para mabilis silang makarating sa paroroonan.
Habang nagmamaneho, kuwento nang kuwento si Agnes. Hindi raw nito ikinahihiya na walang ama ang kanyang mag-iisang taon nang anak. Iba na raw ang panahon ngayon. Wala na raw siyang pakialam sa sasabihin ng mga tsimoso’t tsismosa. Ang mahalaga raw ay kung saan ito liligaya. Noon lamang napagtanto ni Nieves na hindi nga gaanong kagandahan si Agnes Cailles pero may itinatago rin pala itong nakapagpapagaan ng kanyang kalooban. Pumapasok na sa simbahan ang Reyna Elenang si Thelma nang dumating sina Nieves at Agnes. Dali-dali silang bumaba ng kotse. At magkahawak-kamay sa sumunod sa prusisyon.

Monday, July 30, 2012

REVERSE CREATION

by Bernard Backman

In the end, we destroyed the heaven that was called Earth. The Earth had been beautiful until our spirit moved over it and destroyed all things.

And we said...

Let there be darkness... and there was darkness. And we liked the darkness; so we called the darkness, Security. And we divided ourselves into races and religions and classes of society. And there was no morning and no evening on the seventh day before the end.

And we said...

Let there be a strong government to control us in our darkness. Let there be armies to control our bodies so that we may learn to kill one another neatly and efficiently in our darkness. And there was no evening and no morning on the sixth day before the end.

And we said...

Let there be rockets and bombs to kill faster and easier; let there be gas chambers and furnaces to be more thorough. And there was no evening and no morning on the fifth day before the end.

And we said...

Let there be drugs and other forms of escape, for there is this constant annoyance - Reality - which is disturbing our comfort. And there was no evening and no morning on the fourth day before the end.

And we said...

Let there be divisions among the nations, so that we may know who is our common enemy. And there was no evening and no morning on the third day before the end.

And finally we said...

Let us create God in our image. Let some other God compete with us. Let us say that God thinks as we think, hates as we hate, and kills as we kill. And there was no morning and no evening on the second day before the end.

On the last day, there was a great noise on the face of the Earth. Fire consumed the beautiful globe, and there was silence. The blackened Earth now rested to worship the one true God; and God saw all that we had done, and in the silence over the smoldering ruins... God wept.

Sunday, July 29, 2012

ANG SIGWA

ni German Gervacio

(SABAYANG PAGBIGKAS)


Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen
Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen
Dooooonggggg….

Hwoooshhhh! Hwooossshhhh! Hwoooshhhh!
Wzzzzzooozzzzz…Wzzzooooozzz…Wzzzooooozzzzzzz…

Hindi iyon dumating nang walang babala
May tanda, may tanda! Kami’y magigiba
Nawindang ang malay lahat ay tulala
Pumiglas ang puso, isip ay luluwa

Babala, babala: babaha, babaha!
Babala, babala: babaha, babaha!
Babala, babala: gigiba!
Babala, babala: gigiba!

Napabalikwas tayo noong gabing iyon
Ang una’y isang napakalakas na haplit ng hangin
Na sinundan ng pagkidlat at pagkulog

Kumabog, kumabog
Ang lupa’t dibdib, nayugyog
Nag-unahan ang libong sibat ng langit
Lumangitngit, lumangitngit
Bahay at buhay’ nabibingit

Wala tayong nagawa kundi ang pagmasdan

Kung paano labusawin ng hangin at ulan ang tumana
Kung paano yugyugin ang punongkahoy at halaman
Kung paano haplitin ang marupok na dibdib ng bahay
Kung paano dayukdukin ang ating yaman at kabuhayan
Kung paano nakawin ang pangarap at pag-asa
Kung paano burahin ang kahapon, ngayon at bukas

Bukas, bukas…bukas…

Huwasssss…hwasssssh….hwwwwasssshhhhh
Huwasssss…hwasssssh….hwwwwasssshhhhh

Buhok na hinangin ang nakuratang mandala
Nagpipingkiang kampilan ang talahib sa tagliran ng lambak
Matutulis na kuko ang along gumagalos sa baybay
Padabog ang mga trosong bumundol sa tadyang ng bahay

Tuyong dahong tinangay ang mga baka, baboy, aso, pusa, kalabaw
Balahibo ng manok na hinipan ang mga sasakyan, kural at poste
Mga langgam na sinabuyan ng tubig ang mga buhay at bangkay

Nanginginig, nangangatog, nagungurog
Nanginginig, nangangatog, nangungurog
Nanginginig, nangangatog, nangungurog

Pati tuktok at tadyang ng matikas na burol
Bundok, tulay, moske, simbahan, mansyon

Iniluwa ng lupa maging ang nangungunyapit na ugat
Mga ilog ay dugong bumubulwak-bulwak

Ang langit ay tila bulkang pumutok
Rumagasa ang lapok, lapok, lapok!

Hindi tayo makapaniwala sa nasasaksihan ng balintataw
Kinakalikaw, nilalabusaw, binabalisawsaw
Umaalingawngaw ang halakhak ni Maria Cacao

Haw haw de karabaw
Utok namo nakutaw
Haw haw de karabaw
Pag-asa’y di matanaw
Haw haw de karabaw
Lulubog, lilitaw
Lulubog, lilitaw
Lulubog, lilitaw…
Aw…aw…aw…awwwww!

Naagnas sa kumukulong tsokolate ang ref, tv, washing machine
Kompyuter, PSP, Xbox, Wii, Wii, Wii

Nabaklas ang tinaliang haligi, bubong at hagdanan
Ihit ng sanggol ay nakatarak sa dibdib nating subyang
Pakakak ni Kamatayan ang pumapailanlang


Hindi na natin matiyak kung ano ang troso o braso
Hindi na natin matiyak kung ano ang luha o ulan
Hindi na natin matiyak kung sino ang buhay o patay
Tayong lahat ay humihinga-hinga pang bangkay
Bangkay….bangkay….bangkay!

Hilong talilong ang mabubulaklak-ang-dilang politiko
Noynoying ang may hang-over pang nasa Palasyo
Kampanteng-kampante at walang paki
Kinikilig sa napanaginipang si Grace Lee
Hugas-kamay ang PAG-ASA at lokal na pamahalaan
Parang Makapiling turuan nang turuan

Ala-Harry Potter ang mga ganid at tuso!
Madyikera’t madyikero kanya-kanyang akto
Hokus pokus doon, hokus pokus dito
Binulsa ang konsyensya, nagpagamit sa demonyo!

Dahil bakit ang corned beef ay naging tinapa?
Ang imported na kumot ay naging mumurahing katsa?
Ang relief goods ay naimbak sa aparador ng iba
Milyong piso at dolyar, nakaninong bulsa?

Batid kaya nila ang pakiramdam ng isang nagpikit ng mata
Ng sanggol na hinugutan ng hininga sa kanilang kandungan?

Batid kaya nila ang pakiramdam ng sumalo
Ng basag na bungo ng kaibigan?

Batid kaya nila ang lamig ng huling pisil
Ng isang kapatid?

Batid kaya nila ang pakla sa puso
Ng isiping hindi natin kaya,

Hindi natin kayang yakapin
Lahat ang humuhulagpos na hininga
Ng ating mahal sa buhay,

At kailangan natin sila bilang karamay
At hindi bantay-salakay?

Subalit tanto rin nating lagi na lamang
Sa lupa tayo'y makadudulog—

Sa lupang inabuso ng pagtotroso
Sa lupang ginahasa ng pagmimina
Sa lupang ginahaman ng plantasyon
Sa lupang tanging kakampi natin ngayon!

Natikman ng basang lupa ang alat ng ating luha
Natikman niya ang anta ng ating paghikbi
Natikman niya ang lansa ng ating uhog
Natikman niya ang aplod ng nangungurog nating tuhod
Natikman niya ang pait ng mga dibdib nating giba
Natikman niya ang asim ng pagngiwi ng ating mukha
Natikman niya, ay! natikman niya!
At kanyang naunawaan

Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling haligi
Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling buto
Kayamukat mnating sinuhayan ang mga nabaling pananalig
Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling kaluluwa
Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling suhay

At sa gitna ng tikatik ng luha at ulan
Nakasilip panandali si Pag-asa

Mga bituing nangangako ng panibagong panaginip
Buwang sumasalamin sa mga nagampanang pagtataguyod

Nalimutan na tayong tipanin ng araw

Subalit hindi tayo nililisan ng silahis sa ating mata
At sa pakpak ng mga aninipot muling isinakay ang lagablab ng pangarap

Kung kailan maihahatid sa pinakamalapit sa pinakamalapit na bituin,
Ay hindi na mahalaga

Ang mahalaga'y pinili nating muli ang mangarap
Ang mahalaga'y natukuran nating muli ang ating kaluluwa
Ang mahalaga'y hindi napatid ang bigkis ng ating ugat
Ang mahalaga'y hindi naigupo ang tiwala sa ating sarili
Ang mahalaga'y may init pa rin ang ating puso't hininga

Ang mahalaga'y tanto pa rin natin ang siyang pinakamahalaga.

Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen
Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen
Dooooonggggg….

Tuesday, July 24, 2012

ANG SUKATAN NG LIGAYA

ni Liwayway Arceo


NAGMAMADALI si Aling Isyang sa pagbibihis. Nangangamba siyang pumasok si Medy sa silid at Makita siyang nagbibihis. Natitiyak niyang hindi siya papayagan nito na makaalis. May tatlong araw
nang nagtatangka siyang makauwi sa nayon ngunit lagi siyang pinangungunahan ng anak.
“Ang Inang. . . nagbibihis na naman! Parang inip na inip dito sa ‘min . . .” matatandaan pa niyang parunggit nito. At kung may bahid man ng katotohanan itong sinabing iyon ni Medy ay hindi na siya nagpahalata. Nadama niya agad ang hinanakit sa tinig nito nang pansinin ang kanyang paghahanda sa pag-alis. Ngunit talagang hindi siya mawili sa tahanan nina Medy.
Noong una ay idinadahilan niya ang init. Nang sumunod na bakasyong lumuwas siya ay may isa nang silid sa bahay ni Medy na may sadyang pampalamig na ayon ditto ay nakakabit sa koryente. Wala naman siyang makikitang umiikot na tulad sa karaniwang nakikita niya sa kanilang nayon. Iyon ay isang parihabang kahon lamang sa dingding. Ngunit hindi rin siya nasiyahan. Nasipon pa nga siya. Gayunman ay iyon ang nagawa niyang dahilan upang makauwi sa nayon.
Hindi niya maidahilan ang alikabok. Ang malaking bahay ng kanyang anak ay malayo sa magulong lunsod. Nakatirik iyon sa gulod ay nakabukod. Sa pinakamalapit na kapitbahay. Malawak ang bakurang alaga ng isang hardinero. May languyan sa isang panig at may pinanggagalingan pa ng tubig na sumasaboy sa gitna ng hardin. Ngunit sa tuwing maglalakad siya sa paligid ng bakuran, waring may hinahanap siyang kung anong bagay na mawawaglit.
Naikuwento niya iyon kay Mang Laryo nang magbalik siya sa nayon. “Alam mo, Oy.” simula niya sa pagbabalita sa asawa, “Kahit na nga ano pa ang sabihin, iba ang singaw ng lupa rito sa ‘tin. Saka. . . kung bakit doon kina Medy, gayong binili raw nang napakamahal ang mga halalaman. . . parang hindi ako nagagandahan. Ayaw man lang ipahipo ang mga dahon ng mga masetas, e!”
Napangiti si Mang Laryo. “Ikaw naman, oo! Nagpapahalata ka naman ‘ata sa anak mo. Parang napapaso ka sa kanilang bahay. Nasabi na nga sa ‘kin ‘yan minsan… patuloy ng matanda.
“H-ha?”
“Aba, oo! Sinabi ‘yan mismo ni Medy.”Ika sa kin. . . mas mahal mo raw si Idad kaysa kanya. . . hindi raw pareho ang tingin mo sa kanila. . . “
Sa dakong iyon ng kanyang gunita ay napatigil sa pagbibihis si Aling Isyang. Waring may gumising sa kanya. Parang noon lamang sinasabi ni Mang Laryo ang panunumbat ni Medy.
“Hindi maaaring magkagano’n!” bulong ni Aling Isyang sa sarili. “Si Medy nga ang malaki ang naitulong sa ‘min, palibhasa’y sinuwerte sa pag-aasawa.” Nakakaluwag sa buhay ang naging asawa.”
“Ngunit ang hindi mawari ni Aling Isyang ay kung bakit higit na nagiging matamis ang iniaabot sa kanya ni Idad gayong maliliit na halaga lamang. Marahil ay dahil alam niyang magsasaka ang kanyang manugang kay Idad. Dukha ring tulad nila ni Mang Laryo. At kakaibang kislap sa mga mata ni Ida dang nasisinag niya sa pagkakaloob niyon.
Ilang katok sa pinto ang pumukaw sa pagdidili-dili ni Aling Isyang.
“Inang, “ narinig niyang tawag ni Medy.
“Halika, Anak. . . “tugon niya at mabilis na inabot ang alampay sa likod ng silya at ibinalabal iyon.”Bahala na . . .”bulong niya.
Hindi tumitingin si Aling Isyang sa dako ng pinto nang itulak ni Med yang dahon niyon.
“Ay, salamat. . . at nakabihis na kayo, Inang!” Masayang bati ni Medy at lumapit sa kanya. Nakasungaw sa mga labi nito ang isang masayang ngiti.
Nagtaka si Aling Isyang. Inaasahan niyang magpaparunggit na naman ni Medy at nakikita siyang nakabihis ng panlakad at may balak na umuwi.
“Talagang pagbibihisin ko kayo, Inang, e. . . aalis tayo! Habol ni Medy.
“S-sa’n . . . sa’ n tayo pupunta?” Kunwa’y sabik na sabik niyang tanong.
“Talagang sasabihin ko pa naman sa ‘yo na. . . uuwi na ‘ko. . . ngayon. . .”
Napalabi si Medy, “Ku, heto na naman si Inang! Sumama nga muna kayo sa ‘ming pamamasyal bago kayo umuwi. Magtatampo niyan si Eddie. . . Pag hindi kayo sumama.”
1
Napabuntunghininga nang malalim si Aling Isyang. Hindi siya makatutol kapag ang sinasangkalan ni Medy ay ang asawa nito. Nahihiya siyang biguin ang manugang. . . Iniiwasan niyang may masabi ito.
“Baka kung saan ‘yon, ha?” hindi pa rin napigilang tanong niya sa anak.
Napatawa si Medy. “Ang Inang. . . sa’n ba naman namin kayo dadalhin? Magpapasyal llang tayo at susubbukin daw ng manugang n’yo ang bagong kotse . . . at kakain tayo sa labas. Do’n sa restawran sa tabing-dagat. Huwag n’yo na munang hahanapin ‘yong ilog do’n sa ‘tin!” biro pa ni Medy.
“E sige . . .” patianod ni Aling Isyang. “Basta mamamayang hapon e payagan na n’yo kong makauwi at kawawa namab ang Tatang n’yo. . ’’
“Kasi naman, hindi pa sumama, e . . .’’ paninisi ni Medy.
“Alam mo namang may pinagkakaabalahan sa bukid, e. Kung hindi ba dahil sa kumpleanyo mo, luluwas pa ba ‘ko? Alam mo namang bagong-galing sa sakit si Idad. . . ’’ dugtong pa niya.
“Siya. . . siya. . . oho!’’ Matamlay na tugon ni Medy. “Mukhang talagang hindi na kayo mapipigil, e. . .”
Nang lumabas si Aling Isyang sa silid ay nabungaran niya sa salas ang dalawang apong babae na sinusundan-sundan ng mga yaya.
Ang panganay ni Medy ay anim na taon, ngunit hindi pa mapag-isa. Laging kasunod ang tagapag-alaga. Ni hindi ito makapagbihis nang mag-isa, di tulad ng kanyang apo kay Idad, na bata sa murang gulang na iyon. Ang sumunod na may tatlong taon ay napakalikot naman. Natitigil lang kung karga ng yaya.
Naupo si Aling Isyang sa sopa upang hintayin sina Medy. Hinintay niyang lapitan siya ng mga apo, ngunit waring hindi siya napapansin. Bigla niyang nagunita ang apat na apo kay Idad. Marinig lamang ng mga iyon ang kanyang mga yabag ay nag-uunahan na sa paglapt sa kanya at unahan din sa pagkapit sa kanyang saya. At kung tulad ngayon na nakaupo siya, tiyak na mag-uunahan ang dalawa sa kanyang kandungan at magtutulakan naman ang dalaw pang ibig makababa sa kanyang baliikat.
Nang lumabas si Medy buhat sa silid ay may bitbit itong sapatilyang puno ng palamuting abaloryo.
“Ito na’ng isuot n’yo, Inang. . . ’’ sabay lapag sa sahig, sa kanyang paanan.
“Naku ,’’ tutol niya, “e bakit pa? Tama na ‘tong aking kotso. . . luma nga, hindi naman sira!’’ Hindi niya masabi kay Medy na nang una siyang magsuot niyon ay nanakit ang kanyang mga paa.
“ Ku, kaya kayo ibinili ni Eddie ng bago e hindi na raw nakikitang isinusuot n’yo ‘yong unang binili namin. . . ’’sabi ni Medy.
“Kow. . . e hindi ko lang naibalita sa ‘yo, ibinigay ko sa kapatid mo. Mas bagay sa mga paa ni Idad, e . . . ’’ patuloy ni Alin Isyang.
“Kaya nga! Hubarin n’yo na ‘yang kotso. Kahiya-hiya pag may nakakia sa ‘tin sa pamamasyal.Pusturang-pustura kami. . . tapos. . .’’ at nauntol ang sinasabi ni Medy.
“Mamaya, maisip ng iba na sapatilya lang ay hindi naming kayo maibili. . .”
“Bakit ‘yon ang iisipin n’yo, e ako naman ang may gusto nito? Ngunit pinagbigyan na rin niya si Medy.
Nanibago si Aling Isyang nang tumayo siya. May kataasan ang taking ng sapatilya.At matigas ang entrada. Hindi pa siya humahakbang ay waring nananakit na ang kanyang talampakan.
Isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya magtagal sa bahay ni Medy. Ang gusto ni Medy ay lagi siyang susunod sa mga sinasabi nito upang walang masabi ang iba. Sa kanyang pakiramdam naman ay iniipit ang kanyang mga kilos at hindi siya Malaya. Gayunman ay ayaw na niyang maging alangan ang kanyang anak sa pamantayan ng kanyang manugang, kaya’t sinisikap niyang makibagay.
Napansin ni Aling Isyang na tuwang-tuwa si Eddie na makita nitong suot niya ang sapatilya.”Ayan. . . sabi ko na’t bagay na bagay sa inyo ang kulay na granate, e! Bumata kayo ng sampung taon!’ at inakbayan siya nito. “Tena kayo. . .’’
Dahan-dahan at buong-ingat ang ginawang pagbaba ni Aling Isyang sa hagdan.
“Masakit ba sa paa, Inang?’’ usisa ni Medy nang mapunang mabagal ang kanyang mga hakbang.
“Hindi naman. . . ’’ pagkakaila niya. “Syempre. . . medyo lang ako naninibago at mababa ang kotso. . .”
2
Wala sa pamamasyal ang isip ni Aling Isyang. Nasa bukid, sa piling ni Mang Laryo, ni Idad, at ng kanyang mga apo. Lalong naging masidhi ang kanyang pananabik sa mga apong naiwan nang makasakay siya sa kotse.
Katabi niya ang dalawang tagapag-alaga ng kanyang mga apo sa upuan sa likuran. Kalong ng mga iyon ang mga bata. Ni hindi niya mahipo kahit sa kamay ang kanyang mga apo. Waring hindi siya nakikilala.
“Sinuswerte kami sa huling transaksiyon, Inang. . .” pagbabalita ni Eddie sa kanya samantalang namamasyal sila sa tabing-dagat.”Kaya pinalitan ko na ang lumang kotse nang walang maireklamo ang anak n’yo. . .” pabiro pang dugtong.
“Maganda, a!’’ tanging naisagot ni Aling Isyang.
“Dapat naman, Inang!” katlo ni Medy.”Papasok na si Millet sa darating na pasukan. . . sa laga e magpapahuli ‘yan sa ibang bata sa kolehiyo?” at binanggit nito kung saang kolehiyo ng mga madre ipapasok ang apo.
“Para disi-otso mil lang!”
Napakislot si Aling Isyang sa pagkakaupo. Labingwalong libong piso! Kaya pala naman saanman niya hagurin ng tingin ang sasakyan ay wala siyang maipintas. Wala pa siyang nakikitang tulad niyon. Kahit ang alkalde ng kanilang bayan o ang gobernador ng kanilang lalawigan ay hindi gayon kagara ang sinasakyang kotse.
Hindi sinasadya ay napailing si Aling Isyang. Naisip niya kung paanong ang kanyang dalawang anak na kapwa babae, kapwa maganda at pareho ang inabot sa paaralan, ay nagkaroon ng magkaibayong kapalaran sa kabuhayan nang magsipag-asawa.
Naisaloob niyang marahil ay dahil magkaiba ang ugali ng dalawa. Palabati si Medy sa kapwa. Madaling makipagkaibigan. Si Idad naman ay tahimik. Mahiyain. Ngunit matay man pakiramdaman ay nasisiyahan sa buhay.
Natatandaan pa ni Aling Isyang ang matinding galit niya nang malamang nakakilala ni Medy ang isang batang-batang mangangalakal galing sa Maynila. Noon ay napadako sa kanilang nayon si Eddie upang bilhin ang tubuhan ng dati ay tinitingal sa kanilang bayan, si Don Alfonso. Hanggang nang hingin ni Eddie ang kamay ni Medy ay hindi napapawi ang pag-aalinlangan sa kanyang dibdib.
“Hindi na kayo kumibo, Inang. . ..” basag ni Medy sa katahimikan nang mapansing walang kakibu-kibo ang ina.
“A. . . e nawiwili ako. . . sa panonood. . .” pagkakaila ni Aling Isyang.
“ Nakita mo na, Ed. . . ’’ at bumaling si Medy sa asawa, “kung hindi natin binili ito, ‘yon bang disi-otso mil e maaaring sakyan? Masisiyahan ba tayo nang ganito?”
Saglit na nakawala sa diwa ni Aling Isyang ang mga nagdaan nang marinig ang masayang tawanan nina Medy at Eddie. At nakadama na rin siya ng kasiyaha. Pinilit niyang masiyahan.
Pumili ng isang sariling hapag si Eddie sa restawrang pinasukan nila. Sa bungad pa lamang ay marami ng binabating kakilala ang mag-asawa. Susunud-sunod naman si Aling Isyang. Ingat na ingat siya sa paghakbang. Nananakit ang kanyang mga paa sa suot na sapatilya. Ngunit sinarili niya iyon.
May kapaitang sumasaisip ni Aling Isyang na kung naroon siya sa kanilang sariling nayon, hindi niya kakailanganin ang magkunwari. Hindi niya kakailanganing magsuot ng anumang hindi siya nagiginhawahan. Kilala niya ang lahat ng tao at nakikilala rin siya. Hindi niya kailangan ang kumilos nang labag sa kanyang kalooban, upang masiyahan lamang sina Medy. Nakadama siya nang bahagyang kapayapaan ng loob nang makaupo na sila sa harap ng hapag-kainan.
“Baka mahal dito?” hindi sinasadyang nasambit ni Aling Isyang.
“Si Inang naman!” may hinampo sa tinig ni Medy. “Baka may makarinig sa inyo ay kung ano ang isipin! Paparito ba tayo nang hindi kami gayak gumasta?
Nagsisi si Aling Isyang kung bakit niya sinabi iyon. At lalo siyang nakadama ng pagkapahiya nang masulyapang ngingiti-ngiti ang manugang.
Ayaw magsiupo ang kanyang dalawang apo. Nawiwili sa kalalakad sa paligid ng restawran. Susunud-sunod naman ang dalawang yaya. Ang nanghihinayang sa ibinabayad ni Medy sa dalawang katulong na kabilang sa marahil ay anim o walo pang utusan sa bahay. May labandera, May kusinera. May tagalinis ng bahay. May tagawalis ng bakuran. May tagadilig. Hindi niya maubos-isipin kung bakit si Idad ay nag-iisang gumagawa sa bahay ay apat ang inaalagaang anak.
“Ano ang gusto n’yo, Inang?” tanong ni Eddie nang mapunang hindi siya kumikibo.
“Kayo na ang bahala. . . lahat naman ay kinakain ko!” mahina niyang tugon. Sadyang hindi niya alam kung ano ang maaari niyang hingin sa restawrang iyon. Alam niyang wala roon ang paborito niyang pangat na malakapas at banak.
3
“Alam ko ang paborito ni Inang!” masiglang sabi ni Medy. At humingi ito ng inihaw na pampano, asadong alige ng alimango, halabos na sugpo, kilawing talangka at tinolang manok, mga sariwang prutas, sabaw ng buko.
“Ang mga bata,bakit hindi pa magsitungo rito?” biglang sabi ni Aling Isyang.
“Kabisado ‘yan ng mga nagsisilbi rito. Dadalhn na ang mga ‘yan kung saan gusto. Pihong nasa hardin,” paliwanag ni Medy.
Hindi makaramdam ng gutom si Aling Isyang. Nalula siya sa dami ng pagkaing nakahain. At umukilkil sa kanyang isipan kung magkano aabutin ang lahat ng iyon, na sa kanyang palagay ay hindi dapat gugulin. Pasulyap-sulyap siya sa ginagawang pagkain ng mag-asawa at pilit niyang ginagaya. Ingat na ingat siya sa pagkain.
Naisip niyang kung nasa sariling bahay siya, pasalampak siyang uupo sa sahig ng dulang. Nadudukit niya ang lahat ng alige ng alimango pati sa talukap. Nakukuha niya pati ang laman sa mga sipit at galamay.Pinaghahandaan niya iyon ng sawsawang suka na may pinitpit na luya at tinimplahan ng asin at asukal.
Sa sugpo ay wala siyang itinapon kundi balat. Kinukutkot pa ng kanyang mga kuko ang taba sa talukap ng ulo. Sinisipsip niya pati ang mga hinlalangot at buntot.
Ibang-iba ang ginagawang pagkain nina Medy. Maraming natatapon. Sa kanyang tingin ay higit pang marami ang naiiwan sa pinggan.Hinayang na hinayang siya ngunit sinasarili niya ang kanyang damdamin.
At nakaramdam ng lungkot si Aling Isyang nang magunita ang mga naiwan sa nayon. Naalala niya ang ginagawa niyang paghihimay ng alimango o alimasag para sa kanyang mga apo. Gayundin ang ginagawa niyang pagsisilbi kay Mang Laryo.
Nagtataka siya kung paanong sa loob ng walong taon lamang na inilagi ni Medy sa lunsod ay hidi na niya mabakas ang nakamihasnan nito sa nayon. Waring limot na nito ang pinag-ugatan. Waring kailanman ay hindi siya nagging bahagi ng kanilang nayon.
“O,” basag ni Medy sa kanyang pag-iisip,” hindi ‘ata kayo kumakain, Inang,”
“Kumakain,” mabilis niyang sagot.”Alam mo naman ako. . . mahinang kumain.”
IPINAHATID ni Medy si Aling Isyang nang umuwi. Bago siya umuwi ay hindi niya nalimutang hingiin muli kay Med yang kanyang kotso. Pinagtawanan siya nito at hinapit ang balikat at dibdib nito. Pagkatapos ay binilinan siya nito na sa hulihang upuan ng kotse siya maupo.
“ Hindi naman si Eddie ang magmamaneho, e. . . tsuper ‘yan sa opisina!” bulong sa kanya.
Tumango lamang siya. Nang maramdaman niyang umuusad na ang kotse ay hinubad niya ang sapatilya at inihalili ang kanyang kotso. Sumandal siya sa pagkakaupo at naramdaman niya ang ibayong pananabik na makauwi sa nayon.
Hindi man lamang niya naisip nab aka magulat ang kanyang mga kanayon kapag nakita ang sinasakyang bagung-bago at nangingintab na kotse, tulad ng sabi ni Medy bago siya sumakay. Ang tanging nakikita niya sa kanyang balintataw ay ang pat na anak ni Idad na naghihintay sa kanya, na nag-uunahan sa pagsalubong sa kanya.
Malayo pa man siya sa nayon ay waring nalalanghap na niya ang naiibang singaw ng lupa- kaiba sa magarang bakuran nina Medy. Waring malayang-malaya na naman siyang gumagalaw, hubad sa pagkukunwari at pakikibagay.
Napuno ng kaligayahan ang puso ni Aling Isyang nang matanaw na niya ang makipot at maalikabok na landas na bumubungad sa kanilang nayon. Waring abot-kamay na niya ang kanilang tarangkahan.

SENTI



ni Blackpen 
 

Isang lingon, walang tugon
Pag-ibig na pilit ibinabaon
Sa bawat tibok ng puso
Luha'y sumasabay sa pag-ambon.
Nais kong mahagkan ka
Ngunit tadhana'y mapangbalewala
Ang lapit-lapit mo na
Di ko pa rin maipadama.
Sabog na ang utak sa kakaisip sa'yo
Walang lunas ang isang baso
Tuluy-tuloy lang sa paninimdim
Kailan mo ako lilingunin?
Nababato na sa takbo ng buhay
Mahirap pa rin ang sumabay
Kumakatok sa mundo mo
Aasa na lang ba ako?
Salamin sa harapan
Pait ang siyang inilalarawan

ANG PAG-IBIG ALINSUNOD SA PAKETE NG TIDE ULTRA

ni Gilbert M. Sape


Sabi ko
ayaw kong maglaba sa gabi
hindi ko alam kung bakit
siguro’y ayaw kong makitang
nakasungaw ang bituin sa ulap
at pinapanood ang bawat kong kusot
pero hindi kagabi—
ang totoo
naglaba ako
sinamantala ko ang pangungulimlim
ng bituin sa nangingilid na ulap
at natitiyak ko
maputi ang aking nilabhan
sinunod ko yata ang bawat instruksyon
sa likod ng pakete ng tide ultra:
1. kunin sa timba ang damdaming
matagal nang ibinabad
2. kusutin nang mabuti
pabulain
pabulain upang matiyak na
natatakpan na ng bula
ang mga salitang noon pa sana sinabi
3. at dahil nahuli na sa sikat ng araw
na siyang pagkukulahan,
lagyan na lamang ng clorox
upang kumupas at walang makakita
sa mantsa ni Eros
4. banlawan
maraming banlaw
at tiyaking maisama sa tubig
ang mga sentimiyento
at panghihinayang
5. ibuhos sa kanal ang tubig
upang makapagtago sa burak
ang mga pagsinta
6. isampay sa mahanging lugar
ang nilabhang damdamin
pabayaan itong makahinga
matagal na rin namang
naikubli ito sa baul
Pagmumuni pagkatapos…
napigaan ko na ang damit
mariin
nakalimutan ko nga lamang
pigaan ang tubig sa aking mata
paalam muna
samantala’y magpapatuyo muna ako—
ng damit
ng mata
sana’y walang makakita
salamat sa pakete ng tide ultra