ni Liwayway Arceo
NAGMAMADALI
si Aling Isyang sa pagbibihis. Nangangamba siyang pumasok si Medy sa
silid at Makita siyang nagbibihis. Natitiyak niyang hindi siya papayagan
nito na makaalis. May tatlong araw
nang nagtatangka siyang makauwi sa nayon ngunit lagi siyang pinangungunahan ng anak.
“Ang Inang. . . nagbibihis na naman! Parang inip na inip dito sa ‘min . . .” matatandaan pa niyang parunggit nito. At
kung may bahid man ng katotohanan itong sinabing iyon ni Medy ay hindi
na siya nagpahalata. Nadama niya agad ang hinanakit sa tinig nito nang
pansinin ang kanyang paghahanda sa pag-alis. Ngunit talagang hindi siya
mawili sa tahanan nina Medy.
Noong
una ay idinadahilan niya ang init. Nang sumunod na bakasyong lumuwas
siya ay may isa nang silid sa bahay ni Medy na may sadyang pampalamig na
ayon ditto ay nakakabit sa koryente. Wala naman siyang makikitang
umiikot na tulad sa karaniwang nakikita niya sa kanilang nayon. Iyon ay
isang parihabang kahon lamang sa dingding. Ngunit hindi rin siya
nasiyahan. Nasipon pa nga siya. Gayunman ay iyon ang nagawa niyang
dahilan upang makauwi sa nayon.
Hindi
niya maidahilan ang alikabok. Ang malaking bahay ng kanyang anak ay
malayo sa magulong lunsod. Nakatirik iyon sa gulod ay nakabukod. Sa pinakamalapit
na kapitbahay. Malawak ang bakurang alaga ng isang hardinero. May
languyan sa isang panig at may pinanggagalingan pa ng tubig na sumasaboy
sa gitna ng hardin. Ngunit sa tuwing maglalakad siya sa paligid ng
bakuran, waring may hinahanap siyang kung anong bagay na mawawaglit.
Naikuwento
niya iyon kay Mang Laryo nang magbalik siya sa nayon. “Alam mo, Oy.”
simula niya sa pagbabalita sa asawa, “Kahit na nga ano pa ang sabihin,
iba ang singaw ng lupa rito sa ‘tin. Saka. . . kung bakit doon kina
Medy, gayong binili raw nang napakamahal ang mga halalaman. . . parang
hindi ako nagagandahan. Ayaw man lang ipahipo ang mga dahon ng mga
masetas, e!”
Napangiti
si Mang Laryo. “Ikaw naman, oo! Nagpapahalata ka naman ‘ata sa anak mo.
Parang napapaso ka sa kanilang bahay. Nasabi na nga sa ‘kin ‘yan
minsan… patuloy ng matanda.
“H-ha?”
“Aba,
oo! Sinabi ‘yan mismo ni Medy.”Ika sa kin. . . mas mahal mo raw si Idad
kaysa kanya. . . hindi raw pareho ang tingin mo sa kanila. . . “
Sa
dakong iyon ng kanyang gunita ay napatigil sa pagbibihis si Aling
Isyang. Waring may gumising sa kanya. Parang noon lamang sinasabi ni
Mang Laryo ang panunumbat ni Medy.
“Hindi maaaring magkagano’n!” bulong ni Aling Isyang sa sarili. “Si Medy nga ang malaki ang naitulong sa ‘min, palibhasa’y sinuwerte sa pag-aasawa.” Nakakaluwag sa buhay ang naging asawa.”
“Ngunit
ang hindi mawari ni Aling Isyang ay kung bakit higit na nagiging
matamis ang iniaabot sa kanya ni Idad gayong maliliit na halaga lamang.
Marahil ay dahil alam niyang magsasaka ang kanyang manugang kay Idad.
Dukha ring tulad nila ni Mang Laryo. At kakaibang kislap sa mga mata ni
Ida dang nasisinag niya sa pagkakaloob niyon.
Ilang katok sa pinto ang pumukaw sa pagdidili-dili ni Aling Isyang.
“Inang, “ narinig niyang tawag ni Medy.
“Halika,
Anak. . . “tugon niya at mabilis na inabot ang alampay sa likod ng
silya at ibinalabal iyon.”Bahala na . . .”bulong niya.
Hindi tumitingin si Aling Isyang sa dako ng pinto nang itulak ni Med yang dahon niyon.
“Ay,
salamat. . . at nakabihis na kayo, Inang!” Masayang bati ni Medy at
lumapit sa kanya. Nakasungaw sa mga labi nito ang isang masayang ngiti.
Nagtaka si Aling Isyang. Inaasahan niyang magpaparunggit na naman ni Medy at nakikita siyang nakabihis ng panlakad at may balak na umuwi.
“Talagang pagbibihisin ko kayo, Inang, e. . . aalis tayo! Habol ni Medy.
“S-sa’n . . . sa’ n tayo pupunta?” Kunwa’y sabik na sabik niyang tanong.
“Talagang sasabihin ko pa naman sa ‘yo na. . . uuwi na ‘ko. . . ngayon. . .”
Napalabi
si Medy, “Ku, heto na naman si Inang! Sumama nga muna kayo sa ‘ming
pamamasyal bago kayo umuwi. Magtatampo niyan si Eddie. . . Pag hindi
kayo sumama.”
1
Napabuntunghininga
nang malalim si Aling Isyang. Hindi siya makatutol kapag ang
sinasangkalan ni Medy ay ang asawa nito. Nahihiya siyang biguin ang
manugang. . . Iniiwasan niyang may masabi ito.
“Baka kung saan ‘yon, ha?” hindi pa rin napigilang tanong niya sa anak.
Napatawa
si Medy. “Ang Inang. . . sa’n ba naman namin kayo dadalhin? Magpapasyal
llang tayo at susubbukin daw ng manugang n’yo ang bagong kotse . . . at
kakain tayo sa labas. Do’n sa restawran sa tabing-dagat. Huwag n’yo na
munang hahanapin ‘yong ilog do’n sa ‘tin!” biro pa ni Medy.
“E
sige . . .” patianod ni Aling Isyang. “Basta mamamayang hapon e payagan
na n’yo kong makauwi at kawawa namab ang Tatang n’yo. . ’’
“Kasi naman, hindi pa sumama, e . . .’’ paninisi ni Medy.
“Alam
mo namang may pinagkakaabalahan sa bukid, e. Kung hindi ba dahil sa
kumpleanyo mo, luluwas pa ba ‘ko? Alam mo namang bagong-galing sa sakit si Idad. . . ’’ dugtong pa niya.
“Siya. . . siya. . . oho!’’ Matamlay na tugon ni Medy. “Mukhang talagang hindi na kayo mapipigil, e. . .”
Nang lumabas si Aling Isyang sa silid ay nabungaran niya sa salas ang dalawang apong babae na sinusundan-sundan ng mga yaya.
Ang
panganay ni Medy ay anim na taon, ngunit hindi pa mapag-isa. Laging
kasunod ang tagapag-alaga. Ni hindi ito makapagbihis nang mag-isa, di
tulad ng kanyang apo kay Idad, na bata sa murang gulang na iyon. Ang sumunod na may tatlong taon ay napakalikot naman. Natitigil lang kung karga ng yaya.
Naupo
si Aling Isyang sa sopa upang hintayin sina Medy. Hinintay niyang
lapitan siya ng mga apo, ngunit waring hindi siya napapansin. Bigla
niyang nagunita ang apat na apo kay Idad. Marinig lamang ng mga iyon ang
kanyang mga yabag ay nag-uunahan na sa paglapt sa kanya at unahan din
sa pagkapit sa kanyang saya. At kung tulad ngayon na nakaupo siya, tiyak
na mag-uunahan ang dalawa sa kanyang kandungan at magtutulakan naman
ang dalaw pang ibig makababa sa kanyang baliikat.
Nang lumabas si Medy buhat sa silid ay may bitbit itong sapatilyang puno ng palamuting abaloryo.
“Ito na’ng isuot n’yo, Inang. . . ’’ sabay lapag sa sahig, sa kanyang paanan.
“Naku
,’’ tutol niya, “e bakit pa? Tama na ‘tong aking kotso. . . luma nga,
hindi naman sira!’’ Hindi niya masabi kay Medy na nang una siyang
magsuot niyon ay nanakit ang kanyang mga paa.
“ Ku, kaya kayo ibinili ni Eddie ng bago e hindi na raw nakikitang isinusuot n’yo ‘yong unang binili namin. . . ’’sabi ni Medy.
“Kow.
. . e hindi ko lang naibalita sa ‘yo, ibinigay ko sa kapatid mo. Mas
bagay sa mga paa ni Idad, e . . . ’’ patuloy ni Alin Isyang.
“Kaya
nga! Hubarin n’yo na ‘yang kotso. Kahiya-hiya pag may nakakia sa ‘tin
sa pamamasyal.Pusturang-pustura kami. . . tapos. . .’’ at nauntol ang
sinasabi ni Medy.
“Mamaya, maisip ng iba na sapatilya lang ay hindi naming kayo maibili. . .”
“Bakit ‘yon ang iisipin n’yo, e ako naman ang may gusto nito? Ngunit pinagbigyan na rin niya si Medy.
Nanibago
si Aling Isyang nang tumayo siya. May kataasan ang taking ng
sapatilya.At matigas ang entrada. Hindi pa siya humahakbang ay waring
nananakit na ang kanyang talampakan.
Isa
pa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya magtagal sa bahay ni Medy.
Ang gusto ni Medy ay lagi siyang susunod sa mga sinasabi nito upang
walang masabi ang iba. Sa kanyang pakiramdam naman ay iniipit ang kanyang mga kilos at hindi siya Malaya.
Gayunman ay ayaw na niyang maging alangan ang kanyang anak sa
pamantayan ng kanyang manugang, kaya’t sinisikap niyang makibagay.
Napansin ni Aling Isyang na tuwang-tuwa si Eddie na makita nitong suot niya ang sapatilya.”Ayan. . . sabi ko na’t bagay na bagay sa inyo ang kulay na granate, e! Bumata kayo ng sampung taon!’ at inakbayan siya nito. “Tena kayo. . .’’
Dahan-dahan at buong-ingat ang ginawang pagbaba ni Aling Isyang sa hagdan.
“Masakit ba sa paa, Inang?’’ usisa ni Medy nang mapunang mabagal ang kanyang mga hakbang.
“Hindi naman. . . ’’ pagkakaila niya. “Syempre. . . medyo lang ako naninibago at mababa ang kotso. . .”
2
Wala
sa pamamasyal ang isip ni Aling Isyang. Nasa bukid, sa piling ni Mang
Laryo, ni Idad, at ng kanyang mga apo. Lalong naging masidhi ang kanyang
pananabik sa mga apong naiwan nang makasakay siya sa kotse.
Katabi
niya ang dalawang tagapag-alaga ng kanyang mga apo sa upuan sa likuran.
Kalong ng mga iyon ang mga bata. Ni hindi niya mahipo kahit sa kamay
ang kanyang mga apo. Waring hindi siya nakikilala.
“Sinuswerte
kami sa huling transaksiyon, Inang. . .” pagbabalita ni Eddie sa kanya
samantalang namamasyal sila sa tabing-dagat.”Kaya pinalitan ko na ang
lumang kotse nang walang maireklamo ang anak n’yo. . .” pabiro pang
dugtong.
“Maganda, a!’’ tanging naisagot ni Aling Isyang.
“Dapat
naman, Inang!” katlo ni Medy.”Papasok na si Millet sa darating na
pasukan. . . sa laga e magpapahuli ‘yan sa ibang bata sa kolehiyo?” at
binanggit nito kung saang kolehiyo ng mga madre ipapasok ang apo.
“Para disi-otso mil lang!”
Napakislot si Aling Isyang sa pagkakaupo. Labingwalong libong piso! Kaya pala naman saanman niya hagurin
ng tingin ang sasakyan ay wala siyang maipintas. Wala pa siyang
nakikitang tulad niyon. Kahit ang alkalde ng kanilang bayan o ang
gobernador ng kanilang lalawigan ay hindi gayon kagara ang sinasakyang
kotse.
Hindi sinasadya ay napailing si Aling Isyang. Naisip niya kung paanong ang kanyang
dalawang anak na kapwa babae, kapwa maganda at pareho ang inabot sa
paaralan, ay nagkaroon ng magkaibayong kapalaran sa kabuhayan nang
magsipag-asawa.
Naisaloob
niyang marahil ay dahil magkaiba ang ugali ng dalawa. Palabati si Medy
sa kapwa. Madaling makipagkaibigan. Si Idad naman ay tahimik. Mahiyain.
Ngunit matay man pakiramdaman ay nasisiyahan sa buhay.
Natatandaan
pa ni Aling Isyang ang matinding galit niya nang malamang nakakilala ni
Medy ang isang batang-batang mangangalakal galing sa Maynila. Noon ay
napadako sa kanilang nayon si
Eddie upang bilhin ang tubuhan ng dati ay tinitingal sa kanilang bayan,
si Don Alfonso. Hanggang nang hingin ni Eddie ang kamay ni Medy ay hindi
napapawi ang pag-aalinlangan sa kanyang dibdib.
“Hindi na kayo kumibo, Inang. . ..” basag ni Medy sa katahimikan nang mapansing walang kakibu-kibo ang ina.
“A. . . e nawiwili ako. . . sa panonood. . .” pagkakaila ni Aling Isyang.
“ Nakita mo na, Ed. . . ’’ at bumaling si Medy sa asawa, “kung hindi natin binili ito, ‘yon bang disi-otso mil e maaaring sakyan? Masisiyahan ba tayo nang ganito?”
Saglit na nakawala sa diwa ni Aling Isyang ang mga nagdaan nang marinig ang masayang tawanan nina Medy at Eddie. At nakadama na rin siya ng kasiyaha. Pinilit niyang masiyahan.
Pumili
ng isang sariling hapag si Eddie sa restawrang pinasukan nila. Sa
bungad pa lamang ay marami ng binabating kakilala ang mag-asawa.
Susunud-sunod naman si Aling Isyang. Ingat na ingat siya sa paghakbang. Nananakit ang kanyang mga paa sa suot na sapatilya. Ngunit sinarili niya iyon.
May
kapaitang sumasaisip ni Aling Isyang na kung naroon siya sa kanilang
sariling nayon, hindi niya kakailanganin ang magkunwari. Hindi niya
kakailanganing magsuot ng anumang hindi siya nagiginhawahan. Kilala niya
ang lahat ng tao at nakikilala rin siya. Hindi niya kailangan ang
kumilos nang labag sa kanyang kalooban, upang masiyahan lamang sina
Medy. Nakadama siya nang bahagyang kapayapaan ng loob nang makaupo na
sila sa harap ng hapag-kainan.
“Baka mahal dito?” hindi sinasadyang nasambit ni Aling Isyang.
“Si Inang naman!” may hinampo sa tinig ni Medy. “Baka may makarinig sa inyo ay kung ano ang isipin! Paparito ba tayo nang hindi kami gayak gumasta?
Nagsisi
si Aling Isyang kung bakit niya sinabi iyon. At lalo siyang nakadama ng
pagkapahiya nang masulyapang ngingiti-ngiti ang manugang.
Ayaw magsiupo ang kanyang dalawang apo. Nawiwili sa kalalakad sa paligid ng restawran. Susunud-sunod naman ang dalawang yaya. Ang
nanghihinayang sa ibinabayad ni Medy sa dalawang katulong na kabilang
sa marahil ay anim o walo pang utusan sa bahay. May labandera, May
kusinera. May tagalinis ng bahay. May tagawalis ng bakuran. May
tagadilig. Hindi niya maubos-isipin kung bakit si Idad ay nag-iisang gumagawa sa bahay ay apat ang inaalagaang anak.
“Ano ang gusto n’yo, Inang?” tanong ni Eddie nang mapunang hindi siya kumikibo.
“Kayo
na ang bahala. . . lahat naman ay kinakain ko!” mahina niyang tugon.
Sadyang hindi niya alam kung ano ang maaari niyang hingin sa restawrang
iyon. Alam niyang wala roon ang paborito niyang pangat na malakapas at
banak.
3
“Alam
ko ang paborito ni Inang!” masiglang sabi ni Medy. At humingi ito ng
inihaw na pampano, asadong alige ng alimango, halabos na sugpo, kilawing
talangka at tinolang manok, mga sariwang prutas, sabaw ng buko.
“Ang mga bata,bakit hindi pa magsitungo rito?” biglang sabi ni Aling Isyang.
“Kabisado ‘yan ng mga nagsisilbi rito. Dadalhn na ang mga ‘yan kung saan gusto. Pihong nasa hardin,” paliwanag ni Medy.
Hindi
makaramdam ng gutom si Aling Isyang. Nalula siya sa dami ng pagkaing
nakahain. At umukilkil sa kanyang isipan kung magkano aabutin ang lahat
ng iyon, na sa kanyang palagay ay hindi dapat gugulin. Pasulyap-sulyap
siya sa ginagawang pagkain ng mag-asawa at pilit niyang ginagaya. Ingat
na ingat siya sa pagkain.
Naisip
niyang kung nasa sariling bahay siya, pasalampak siyang uupo sa sahig
ng dulang. Nadudukit niya ang lahat ng alige ng alimango pati sa
talukap. Nakukuha niya pati ang laman sa mga sipit at
galamay.Pinaghahandaan niya iyon ng sawsawang suka na may pinitpit na
luya at tinimplahan ng asin at asukal.
Sa
sugpo ay wala siyang itinapon kundi balat. Kinukutkot pa ng kanyang mga
kuko ang taba sa talukap ng ulo. Sinisipsip niya pati ang mga
hinlalangot at buntot.
Ibang-iba
ang ginagawang pagkain nina Medy. Maraming natatapon. Sa kanyang tingin
ay higit pang marami ang naiiwan sa pinggan.Hinayang na hinayang siya
ngunit sinasarili niya ang kanyang damdamin.
At
nakaramdam ng lungkot si Aling Isyang nang magunita ang mga naiwan sa
nayon. Naalala niya ang ginagawa niyang paghihimay ng alimango o
alimasag para sa kanyang mga apo. Gayundin ang ginagawa niyang
pagsisilbi kay Mang Laryo.
Nagtataka
siya kung paanong sa loob ng walong taon lamang na inilagi ni Medy sa
lunsod ay hidi na niya mabakas ang nakamihasnan nito sa nayon. Waring
limot na nito ang pinag-ugatan. Waring kailanman ay hindi siya nagging
bahagi ng kanilang nayon.
“O,” basag ni Medy sa kanyang pag-iisip,” hindi ‘ata kayo kumakain, Inang,”
“Kumakain,” mabilis niyang sagot.”Alam mo naman ako. . . mahinang kumain.”
IPINAHATID
ni Medy si Aling Isyang nang umuwi. Bago siya umuwi ay hindi niya
nalimutang hingiin muli kay Med yang kanyang kotso. Pinagtawanan siya
nito at hinapit ang balikat at dibdib nito. Pagkatapos ay binilinan siya nito na sa hulihang upuan ng kotse siya maupo.
“ Hindi naman si Eddie ang magmamaneho, e. . . tsuper ‘yan sa opisina!” bulong sa kanya.
Tumango lamang
siya. Nang maramdaman niyang umuusad na ang kotse ay hinubad niya ang
sapatilya at inihalili ang kanyang kotso. Sumandal siya sa pagkakaupo at
naramdaman niya ang ibayong pananabik na makauwi sa nayon.
Hindi man lamang niya naisip nab aka magulat ang kanyang mga kanayon kapag nakita ang sinasakyang bagung-bago at
nangingintab na kotse, tulad ng sabi ni Medy bago siya sumakay. Ang
tanging nakikita niya sa kanyang balintataw ay ang pat na anak ni Idad
na naghihintay sa kanya, na nag-uunahan sa pagsalubong sa kanya.
Malayo
pa man siya sa nayon ay waring nalalanghap na niya ang naiibang singaw
ng lupa- kaiba sa magarang bakuran nina Medy. Waring malayang-malaya na
naman siyang gumagalaw, hubad sa pagkukunwari at pakikibagay.
Napuno
ng kaligayahan ang puso ni Aling Isyang nang matanaw na niya ang
makipot at maalikabok na landas na bumubungad sa kanilang nayon. Waring
abot-kamay na niya ang kanilang tarangkahan.